Nuclear energy — Benepisyo o perwisyo | DigiDokyu

uncategorized

Nuclear energy — Benepisyo o perwisyo | DigiDokyu


Kauna-unahang nuclear power plant sa Southeast Asia. Makapagbibigay raw ng one-third power requirement ng Luzon. 620 megawatts ng kuryente sa mahigit 300 hektaryang lupa. Yan ay kung binuksan nito noong 1970s. Ngayon, isa na lamang itong sleeping power giant. Monster of Murong White Elephant at Sleeping Giant. Ilan lamang ito sa mga bansag sa nuclear power plant na ito.

Panahon na nga ba para gisingin itong muli? Halos apat na dekada na simula ng maipasara ang nuclear power plant na ito. At kamakailan lang ay naging mainit ang usapin sa muling pagbubukas nito para maging alternative source of energy para sa Luzon. Handa na nga ba tayo para sa solusyon ito? Tahimik. Malapit sa dagat at kabundukan. Ang payak at payapang pamumuhay nagbago simula nang itayo ang planta. Nilagay yan sa isang lugar, ang tawag yan exclusion zone.

During that time kasi halos konti lang ang taong nakatira doon. Kaya pinili yan ang lugar na yan because it's excluded. Isa si Engineer Jose Manalo sa mga kauna-unahang kinontrata sa pagpapagana ng naturang nuclear power plant. hired ako for the health physics group. In layman's term, radiation protection. Ano pong ginagawa? Kami yung magiging in-charge sa monitoring ng radioactivity ng lahat ng empleyado, pati doon sa on-site environmental monitoring.

Within one kilometer radius. Ano po yung itsura ng power plant back then? During those times, almost four decades ago, is a state of the art. Naging pamilya nga daw lang yung mga Pinoy during the construction of this power plant doon sa world of state of the art. Sa higit dalawang bilyong pisong inilaan para sa pagpapatayo nito,.

Inilarawan ng official gazette ang Bataan Nuclear Power Plant bilang largest and most expensive construction project in the country's history. Sa kasalukuyan, ay nasa halos 50 million ang allocated budget ng gobyerno para sa maintenance nito kada taon. Ano na nga ba ang itsura ngayon ng planta? So ngayon, papasok tayo sa Bataan Nuclear Power Plant kasama natin si Sir Jo para tingnan natin kung ano na ba ang ito.

Ano na ba ang nagbago or may mga updates ba sa loob ng planta? Kasi may mga sabi-sabi daw, sir, tama po ba na ninakaw daw yung mga gamit? Wala na laman ng loob ng planta. So you can see for yourselves kung ano yung real status ng Bataan Nuclear Power Plant. 80 meters above sea level sa 389 hectare na lupa sa nabot point Murong Bataan.

Unang bumungad sa amin ang malalaking equipment at mga tubo. Ito ang tinatawag nilang demineralizer water treatment plant. the demineralizer water treatment plant. Mineralizer. From the word itself, tinatanggal natin yung mga unwanted minerals. Kamukha ng chloride. Numero unong kalaban ng planta dahil sa pangangalawang. Ito yung tinatawag nating silika. Kasi pag hindi natin tinanggal yun, mag-a-adhere yun sa metal blades ng turbina natin, maapektuhan yung efficiency.

Nanggagaling ang tubig mula sa 16 na deep well dito. Malapit din sa West Philippine Sea ang planta. Yung tubig na galing daga o ilog ay kailangan sa pagpapalamig ng nuclear plant. Kasi mainit kasi yung reactor. Dapat padaanan mo ng tubig para hindi siya uminit masyado. So mainit po ba dito kapag in-operation siya? Oo, kasi mga dagdag-init ng mga pumps and motors natin. Di ba pag tumatakbo yan, dagdag-init.

So ito yung tinatawag na BOP or balance of plant. Binubuhin siya ng condenser, yung turbine generator sa taas. Kapag nag-operate na raw ang planta, ay mananatiling radioactive free ang parting ito. Pagpasok mo rito, ito yung tinatawag na N-triple S or the nuclear side. Ito yung supply system. This is the permanent egress at egress ng lahat ng empleyado. Kasi dapat dumaan sila dito sa radiation portal monitor.

For radiation monitoring. Sir, ito napansin ko po. Nandito sa baba yung ating fire control area. Bakit po dito siya stationed? Per floor yan, meron tayong mga code. K3, meaning control room building, elevation 3, hallway 2. So pag meron ang body-body system, kung may problema, location. K3 H2. Manggagaling sa kanilang control room ang anumang report sa kada lugar ng planta.

Mayroon silang licensed reactor operators sa lugar na ito. Ano po yan? Emergency hotline? During emergency situation na kailangan ng decision ng presidente. Dito rin makikita ang chemical control panels at generators. Ito yung mga control ng mga nandun sa local natin. Pag nagkaroon ng problema, yung system, mag-aalarma siya. Then meron tayong mga local operators. Sa ikatlong palapag ay makikita naman ang electrical rule. Ito yung AOR or Aero Press Possibility ng mga electrical engineers natin.

Control of switches, breakers, fuses, transformers, and other safety-related equipment. Kapansin-pansin din ang mga uri ng carbon steel o bakal na ginagamit rito. Kasi nga yung sinasabi nung iba na ninakaw din ang laman ng planta, and surplus yung mga niligay natin, di ba? Parang kakakabit lang siya. Almost 40 years nang nakatayo ng planta pero tingnan nyo yung quality. And the quality of craftmanship. Ito yung mga uri ng bakal na ginamit sa construction ng Empire State Building, the Hoover Dam. Reactor building. So ito yung parang puso na ba ng planta? The heart of the nuclear power plant.

Sa reactor building nakalagay ang reactor vessel. Dito nangyayari ang pinaka-krusyal na operasyon ng planta, ang pagpuproduce ng init o steam. Ang atomic structure kasi ang pinaka-center ay yung nucleus. Nandun yung protons saka neutrons saka yung electrons. Electrons nasa labas eh. Energy nang gagaling sa nucleus, it's 4 million times than fossil fuel. Sayang naman pag hindi mo gagamitin yung ganung kalaking energy. Sa isang nuclear power plant, uranium ang ginagamit na kemikal para makapagproduce ng init ng mas mabilis. So doon mangyayari ngayon yung mag-i-split ka ng uranium. Okay? Ang gagawin mo, isang neutron ka, tama yung uranium. Ito ba yung fission? Yan ang fission.

Pag nag-split siya sa dalawang atoms, may tatlong neutrons din. May tatlong neutrons ka, kung may mga uranium ka, baka tamaan din yun. So ano yung tinatawag na chain reaction. So every time manag-i-split ka, energy, energy, energy. Kaya ang laki, kaya 4 million times. Kinukuha ang init na napoproduce ng nuclear fission reaction para magpakulo ng tubig. Sumasailalim naman sa proseso ng oxidation ng tubig para makapagproduce ito ng heat o init. Mula rito ay aakyat ang steam papuntang turbine, generator at moisture separator. Left and right, yun yung moisture separator. Para yung unused steam na hindi nagamit para mapaikot yung metal beds ng turbina, then makapag-generate na electricity, is bababa sa condenser, magiging tubig, i-recycle the steam again.

Dito ay masusunod ang konsepto ng conversion ng mechanical to electrical energy. Ang steam kasi ang magpapaikot sa mga turbina. Tsaka ito mako-convert to energy na dadaloy sa mga kable at poste papunta sa mga kabahayan. May mga parts lang. Ito lang na hindi na natin ipakita sa inyo kasi nga very sensitive siya. And ito yung mga reactors and then yung fuel handling building. I believe that it is time also to re-examine our strategy towards building nuclear power plants in the Philippines. Dahil kami malapit, itong buong barangay na ito, ililipat ito. Ay sayang itong barangay. Nang dahil lamang sa nuclear, ay mawawala na ito.

At itong kalahati ng Morong. Siyempre, mawawala na kaming kasiguraduhan kung saan kami nilipat. 1978 nang matuklasan ni Tatay Adele ang posibleng epekto ng nuclear power plants sa kanilang lugar. Hindi naman namin alam na nakakasama sa kalikasan niyang nuclear at sa tao. Yung mga madre ay sinasama kami sa symposium. Kaya doon namin natutuhan yung kung gaano kabagsik o kasama yung uranium. Kung sumingaw. Isa si Tatay Adele sa mga kauna-unahang rallyista kontra sa pagbuo ng planta. Bago pa lang noon, sabihin mo yung pundasyon, inaayos pa nila yun.

Kung madalo nga kami sa symposium, nakadinig kami ng mga masasamang epekto ng nuclear o uranium. Nag-umpisa na kami mag-isip kung paano madi-delay o hadlangan yung construction. Ay, wanted nga kami. Sinabihan kami, pinakuha kami ng subersibo. Mas mataas yung karapatan nila kaysa sa sibilyan. Kaya wala kang magagawa kung di magtiis. oh kaya lumaban sa pamagitan ng salita sa kampaginal na ako na kulong. Hindi naman akong kawalan. Wala naman nakachurch sa aking kaso.

Pumutok noong April 1986 ang balitang nagkaroon ng pagsabok sa nuclear plant sa Ukraine. Nangyari sa ibang bansa ang ikinababahala ni Tatay Adel. Nagawa namin noon, nagawa kami ng mga petition paper. Hanggang sa nakapagpadala kami ng petisyon sa American Congress at sa Australia para yung pagpapadala nila rito, pagbinta nila ng uranium, huwag nilang bigyan ng Pilipinas. Dating Morong lang ang kumikilos, ay ginawa namin pambuong Bataan. At nagawa rin pang international. Kaya nga nag-i-resulta, tumigil, huminto yung operasyon ng nuclear. Paliwanag ng eksperto, ang kaibahan daw ng Chernobyl sa bataan nuclear power plant ay ang kanilang containment structure. Yung Chernobyl po, Soviet designed. It is an RBMK reactor. Hindi po ginagamit sa western countries yan kasi yung moderator niya, graphite, na pwedeng masunog. So may inherent design flaw.

Kasi wala po siyang containment structure. Kasi kung sakaling magka-aksidente, yung materiales mong nuclear ay nasa loob, nakakulog. Ang Chernobyl walang ganyan. Nagkaroon ng accident sila. Yung aksidente nga yun, dahil nag-iexperiment sila ng isang working reactor, bawal yun. Bawal kang mag-experiment sa isang working reactor. Nung sumabog, ayun, wala kang containment. Kaya kumalat. So, ang ating BNPP may containment structure. At saka may apat yan na ginawa. Same design. Kaya naman nakikita ng ilan ang posibilidad na muli itong buksan. Lalo pa tumataas ang pangangailangan ng bansa sa enerhiya.

Ang pinangangambahang pagkaubos ng natural gas sa Malampaya na ginagamit sa paggawa ng kuryente. Malampaya gas field ang nagsusupply ng 30% na enerhiya ang kailangan ng bansa. Ito rin ang kaisa-isang natural gas field sa Pilipinas. Ayon sa Department of Energy, inaasahang mauubos ang supply ng Malampaya ngayong 2024. Sa isang bansang umaasa sa coal at fossil fuels para sa kuryente, kinakailangan pa nating mag-import para matustusan ito. Kung titignan mo ang electricity natin, kalahati yan, 50% nanggagaling sa coal. Yung coal na yan, 90% imported galing sa Indonesia. So, pag sinabi niya Indonesia, ayaw na namin magbenta sa'yo, patay tayo. Hmm? So, pag sinabi niya Indonesia, ayaw na namin magbenta sa'yo, patay tayo. Hmm? In fact, nangyari na yan 2 years ago. Ang nakikitang solusyon ng ilang mga eksperto, renewable energy. Geothermal is renewable, pero base load siya. Pero yung solar at saka wind, renewable yan.

Ang problema lang, yung availability niya, ang tawag sa kanya ay capacity factor. Intermittent. Sa gabi, walang solar. Yung hangin hindi naman palaging malakas. Kung may bagyo, sobra naman yung hangin mo. So, kailangan mong, para maging stable, hindi naman malakas. Kung may bagyo, sobra naman yung hangin mo. So, kailangan mong, para maging stable, magbabateriya ka. Ang mahal po ng batteries. Para mapuna ng pangangailangan ng bansa, binuksan muli ang usapin ng nuclear energy. Ang kagandahan, kung meron pa ng solar and wind, na in-encourage din ng DOE natin, kung may nuclear ka, maganda siyang support. Hindi dapat ipaglaban ang nuclear sa renewable. Magkatuwang po yung mga yan. Ano nga ba ang mangyayari kung paandarin muli ang planta? Ito po, galing po ito sa Slovenia, sa Crisco.

Ito po, yung kakambal na planta ng BNPP, na umaandar pa ngayon. Ang cost ng kanyang power generation, one-tenth. One-tenth ng Pilipinas. Bakit? May tinatawag po kasi ang energy density. Alam niyo po yung isang maliit na ganyan, isang pellet yan, 2% lang uranium yan. Ang katumbas niyan, ilang tonelada ang coal. Sa init na 2,800 degrees Celsius, uranium ang nagsisilbing fuel para sa nuclear power plants. Sa init na 2,800 degrees Celsius, uranium ang nagsisulbing fuel para sa nuclear power plants. Ngayon sa geologist at University of Illinois professor ni si Dr. Kelvin Rodolfo, mahihirapan tayong panindigan ang uranium importation. Ang pinakamaraming uranium ay naproproduce sa Kazakhstan, na kalapit bayan nga ng Russia, at unstable country, gaya ng Namibia, ng Niger, ng Uzbekistan, at ng Ukraine. So those sources are very unstable. You cannot be sure that the price will remain stable because there are wars that go on and there are countries that invade other countries. Mahigit 40% ng uranium supply sa buong mundo ay nanggagaling sa Kazakhstan. Samantalang ang mga stable countries gaya ng Canada, Australia, China, at United States, binibenta ang kanilang uranium sa United Kingdom.

Isa pang ikinababahala ng ilang eksperto ay ang ideya ng solusyon sa global warming ang nuclear energy. When the propagandists talk about how cheap, they do not ignore na you have to find the ore, you have to mine the ore, you have to mill the ore, you have to enrich the uranium. Making the reactor also makes lots of fuel too. Pagkatapos, the spent fuel rods have to be saved safely. That's very difficult. Pagkatapos, the spent fuel rods have to be saved safely. That's very difficult. Ang pagiging malapit ng planta sa Mount Natib, isang potentially active volcano. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, classified as potentially active ang Mount Natib. Sa pag-aaral naman na ginawa ng volcanologist na si Dr. Mahar Lagmay, makikita ang Lubao fault na dumadaan sa Mount Natib at bataan nuclear power plant. Kung magkaroon kasi ng lindol at tamaan ang Lubao fault, posibleng mas batindi ang pinsalang hatid nito sa atin Ang nuclear fuel ay maaari lamang magamit sa loob ng 6 na taon. Matapos nito ay hindi na ito radioactive enough to produce energy.

Ngunit nanatili itong lubhang mapaminsala. Kaya naman sa usupin ng nuclear energy at muling pagbubukas ng nuclear plant, mahalagang talakayan din ang nuclear waste disposal. Pinaka isang problema, yung waste material, hindi nila alam kung saan itatapon o saan ililibing. E pag hindi mo naman nailibing naman siya, magli-leak yun. Kung meron kang iniisip na baka sumabog, baka sumingaw, kaligtasan naman ng mga tao na nakataya. Kung kumuha tayo ng isang isla na wala masyadong tao, napayag sila, magbarayan na ka ng isang kilometro tapos pwede mo siyang i-bend. Tapos takpan mo ng bentonite yung butas. Bakit bentonite? Bentonite kasi sa clay. Bentonite ay mineral. Ang crystal structure niya layered na negatively charged. Is uranium, positively charged.

Pag makatakas si uranium, magkukulong siya doon sa bentonite. Walang takas. Lubhang magastos na. Takaw-disgrasya pa raw ang paggamit ng nuclear energy. Ang problema, if you decide to go nuclear, you have to remain nuclear because the reactor is so expensive. Meron isang plano ng Department of Energy dito sa US. They will inject nuclear waste. Finally, narealize ng US Department of Energy na hindi maaaring mangyari. That program was stopped in 2017. Nuklear waste will be toxic 10,000 years into the future. Kamakailan lang ay nagkaroon ng offer sa bansa ang Korean Hydro and Nuclear Power, isang planta kung saan pinatatakbo nito ang 27% ng energy sources ng South Korea.

Para pag-aralan ng nuclear plant ng Pilipinas. Sabi nila, pwede namin buhayin yung inyong nuclear plant. Bakit? Kasi meron kaming plantang exact design, tumatakbo almost 40 years. So nag-offer sila ng feasibility study. Tignan natin kung pwede pang buhayin o hindi. Nung hiningi po ang opinion namin, sabi namin fantastic. Kasi ito na lang malalaman kung pwede pa. Kung hindi na pwede, huwag natin pag-usapan ang Bataan. Pero kung sakaling feasible, napaka-importante kasi 70% po ng cost ng pagpagawa ng bagong planta ay doon sa semento, yung building mo. Eh, yari na yan. Kung sakaling sa building sa nila na pwede pa yan kasi may tumatakbong planta nga, yung may tatlong kapatid nga yan eh. Slovenia, South Korea, saka Brazil. Yung tatlong kapatid, umaandar pa. So there's very good reason to say na pwede pa. Ngunit lumipas na ang unang deadline na February 2024 dahil hindi ito kaagad na pirmahan ng government agencies involved for clearance.

Sa kabila nito, patuloy pa rin ang ilang mga kabataan sa pagkumbinsi sa mga resekwento. Ang mga mga residente ng Morong sa banta ng nuclear energy. Ma'am, ano pong meron dito? Bala nagpa-petition, signing po kami para hingin ang support ng mga mamayang bataenyo para hingin ang supporta nila na magkaroon sila ng rejection sa plano ng revival, ng rehabilitation sa bataan nuclear power plant. Nakapagpamigay na po tayo ng almost 300 na flyers. Ano po yung klase ng pagtanggap ng mga taong nakausap ng so far? Yung iba sa kanila ay okay sila dito sa pinapapetition namin. At yung karamihan naman ay ayaw nilang supportahan yung petition signing namin dahil sinasabi nila na yung datos na binibigay namin ay false or fake news ito. Ang grupong Nuclear Free Bataan Movement, dekada nang nakikipaglaban kontra sa pagbubukas ng nuclear power plant.

Second or third generation na kami na tumututol pa rin dito. Dito sa balak na i-operate yung bataan nuclear power plant. Traffic, hindi natin masolusyonan. Ito pa kaya ang malaking problema ang idudulot ng nuclear power. Saan kami pupulutin pagkadaan nun? Karapatan din ng mga kabataan, lalo na sila yung magmamana nung ano man ang aabutin. Kaya kasama namin sila at meron silang dapat na desisyon sa magiging proyekto o mga proyekto na may kinalaman sa kanilang puso. Ang mga malilikom na pirma ay ilalakip nila sa kanilang isinasagawang pag-aaral at isusumiti sa iba't iwang ahensya ng gobyerno. Ang tubig natin iniinom para mo malalaman na malinis. Paano na trace kung saan nanggaling ang pollution?.

Ang tinatawag isotopic techniques, nuclear technology po yun. Marami tayong relatives na nagkasakit ng cancer. Ang pang-diagnose po niyan, pang gamot po niyan ay nuclear medicine. Okay? Meron pong application. Meron pong application ng nuclear sa agriculture. Meron kami ditong produkte sa PNRI na nakaka-increase ang yield niya ng agriculture ng rice ng 20%. Nuclear is 4 million times more energetic than fossil fuels. That's why you have to control it. If you're able to control it, talagang dramatic game changer. Sa kabila ng mga posibleng benepisyo, perwisyo pa rin ang pangamba ng marami. So you have to think about the effect of having a nuclear plant in terms of the children. I have a map of Bataan with a circle of 5 kilometers from BNPV. 200% more likely to get leukemia. 10 kilometers away, 33% more likely to get leukemia. And as far as I'm concerned, because children are very important, this is the reason that we should follow the example of Germany and not go to nuclear.

Madalas kami sinasabihan na yun nga, bata lamang kami, na dapat manahimik na lang kami. Importante yung boses namin dito. Kami ay pag-asa ng aming bayan. Kami ay pag-asa ng ating kalikasan. Huwag tayong matakot na sabihin yung ating pagtutol o mga saluobin dahil kung sakaling yan ay matutuloy at magkakaroon aberya. Sa bawat hakbang, marami ang nakaabang. Ano man ang solusyon, kailangan ng maiging desisyon. Lalo pat kabuhayan at kalikasan ang nakasalalay. Mula rito sa Bataan, ako si Abby Espiritu para sa GMA Integrated News DigiDokyu.

Sharing is caring!

3 thoughts on “Nuclear energy — Benepisyo o perwisyo | DigiDokyu

  1. Merong repairs kada taon d nman gumagana.. sayang nman yung pera na nalulusaw lng.. ang dami puede paggamitan.. kung aandar yan planta ang natatakot jan ang mga negosyante na masasagasaan kaya sila ang likod bk8 d napapaandar yan kahit ano pa sabihin ng mga tao tatapalan lng kayo ng pera ng mga negosyante..

Leave a Reply